6 timbog sa pagsalakay ng PDEA sa isang drug den sa Talisay City, Cebu

By Angellic Jordan November 03, 2019 - 02:48 PM

Arestado ang anim na lalaki makaraang salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Talisay City, Cebu Sabado ng gabi.

Ayon sa PDEA Regional Office – Central Visayas, ikinasa ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay San Roque bandang 8:00 ng gabi.

Nahuli sa operasyon ang target na drug den maintainer na si Edilberto Edillo Endriga Jr., 61-anyos.

Naaresto rin ang mga kasamahan nito na sina Ariel Abapo Abangan, Joseph Austre Villa, Roy Pace Mahilum, Richard Gabato Abangan at Art Clinton Aranaez Sabado.

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P88,600.

Maliban dito, nakuha rin ang ginamit na buy-bust money, pera na nagkakahalaga ng P310 at ilang drug paraphernalia.

Mahaharap ang anim sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: cebu, drug den, PDEA Regional Office - Central Visayas, Republic Act 9165, shabu, Talisay City, cebu, drug den, PDEA Regional Office - Central Visayas, Republic Act 9165, shabu, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.