Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

By Angellic Jordan November 03, 2019 - 12:48 PM

PAGASA photo

Asahang uulanin ang Metro Manila at ilang kalapit na lugar sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 11:43 ng umaga, iiral ang moderate to heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Batangas at Rizal.

Mararanasan ang nasabing kondisyon ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Kaparehong lagay ng panahon din ang mararanasan sa Quezon province partikular sa Calauag, Lopez, San Narciso, Macalelon, Mauban, Patnanungan at Quezon.

Pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

TAGS: Batangas, Bulacan, laguna, Metro Manila, Pagasa, Rizal, Batangas, Bulacan, laguna, Metro Manila, Pagasa, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.