Bilang ng nasugatan sa M6.6 at M6.5 sa lindol sa Mindanao, pumalo na sa higit 400 – NDRRMC
Pumalo na sa mahigit 400 ang bilang ng mga nasugatan makaraang tumama ang magnitude 6.6 at magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao.
Batay sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMC) bandang 6:00 ng umaga, nasa kabuuang 432 na katao ang nasugatan sa bahagi ng Regions 10, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nasa 21 katao ang bilang ng mga nasawi sa dalawang pagyanig.
Samantala, sinabi ng NDRRMC na nasa 35,661 na pamilya sa 200 barangay ang apektado sa Regions 11 at 12.
Sa nasabing bilang, 4,362 na pamilya ang nananatili pa rin sa 20 evacuation centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.