6 na Video Karera, 2 Fruit Game Machines nakumpiska sa Malabon City

By Noel Talacay November 02, 2019 - 11:50 PM

NPD photo

Nakumpiska ng mga pulis ng Northern Police District (NPD) ang anim na mga Video Karera at dalawang Fruit Game Machines sa Anti-Illegal Gambling Operations sa Malabon City alas 2:30 hapon ng Sabado, November 2.

Ayon kay Police Master Sgt. Mervin S. Cereno ng NPD, nakilala lamang sa alyas “Noel” at alyas “DONUT”ang mga may-ari ng ilegal na pasugalan na nagtatago sa mga otoridad.

Ang mga Video Karera at Video Fruit Machines ay nakalagay at nakahilera lamang sa eskinita sa Public Market ng Brgy. Tañong at sa mga daanan sa Brgy. Longos.

Nakatanggap anya sila ng tawag sa telepono mula sa isang confidential informant tungkol sa illegal gambling operation sa mga nabanggit na barangay sa Malabon.

Sinabi ni Cereno na nasa kustodiya na ng District Police Intelligence Operation Unit ng NPD ang nakumpiskang mga Video Karera Machines.

Gagamitin ang nakumpiskang mga illegal gambling machines bilang katibayan sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o anti-gambling law.

TAGS: anti-gambling law, Anti-Illegal Gambling Operation, Malabon, northern police district, video fruit machine, video karera, anti-gambling law, Anti-Illegal Gambling Operation, Malabon, northern police district, video fruit machine, video karera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.