2 patay nang madaganan ng puno ng acacia ang isang bahay sa Basilan

By Marlene Padiernos November 02, 2019 - 01:47 PM

Photo Courtesy: Kilo India | Facebook

Hindi na nakaligtas pa ang isang lola at ang apo nito nang madaganan ng natumbang puno ng acacia ang kanilang bahay sa bayan ng Isabela sa lalawigan ng Basilan, Sabado ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, bandang alas-3 ng madaling araw ng mangyari ang insidente.

Mahimbing umano na natutulog ang mga biktima nang mabuwal ang puno dahil sa malakas na hangin at pag ulan dahilan para maipit ang mga biktima sa ilalim ng kanilang bahay.

Makikita sa isang Facebook post ni Kilo India na isang concerned citizen na naging pahirapan ang naging retrieval operation ng mga otoridad dahil sa laki ng pinasalang nangyari sa bahay at dahil na rin sa pagkakaipit ng mga katawan ng biktima.

Sa pagtutulungan ng Bureau of Fire Protection at Community Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) alas-siete impunto na ng Sabado ng umaga nang tuluyang marekober ang katawan ng mag-lola.

TAGS: Bureau of Fire Protection, Community Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), natumbang puno ng acacia, Bureau of Fire Protection, Community Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), natumbang puno ng acacia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.