Halos 30,000 imprastraktura sinira ng lindol sa Mindanao ayon sa NDRRMC
Umakyat na sa 29,349 pamilya o 146,745 katao ang bilang ng mga direktang naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Karamihan sa nasabing mga pamilya ay nasira ang kanilang mga bahay dulot ng mga pagyanig.
Sa tala ng NDRRMC umaabot sa 149 barangays ang apektado sa Regions XI at XII.
Sa nasabing bilang umaabot sa 4,127 families o 20,635 katao ang nananatili sa 27 evacuation centers samantalang 1,370 pamilya naman ang nakikitira muna sa kanilang mga kaanak.
Nilinaw naman ng NDRRMC na nananatiling 17 ang bilang ng mga casualties samantalang marami pa rin ang mga nananatili sa mga pagamutan dahil sa mga tinanong sugat sa kani-kanilang mga katawan.
Sa report pa rin ng NDRRMC, kanilang iniulat na aabot sa 28,222 infrastructure ang nasira particular na sa Regions IX, X, XI, XII at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang sa mga nasira ang 27,350 na mga bahay, 757 were schools at 37 health facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.