Pilipinas pasok sa Fiba 3×3 Olympic qualifiers

By Len Montaño November 02, 2019 - 04:23 AM

Nakakuha ang Pilipinas ng slot sa Tokyo Summer Olympics matapos mapabilang sa 20 bansa na sasabak sa 2019 Fiba 3×3 Qualifying Tournament.

Kasama ng Pilipinas sa Pool C ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.

Ginawa ang anunsyo sa seremonya sa Japan kung saan dumalo sina Fiba President Hamane Niang at Fiba Secretary General Andreas Zagklis.

Mula noong February 16, nakakuha ang national team na Chooks to Go ng sapat na puntos para makunsidera bilang isa sa top 3×3 countries sa buong bansa.

Ang Pilipinas ay bubuuin ng dalawang players mula sa top 10 sa country rankings at madaragan pa mula sa top 50.

 

TAGS: 2019 Fiba 3x3 Qualifying Tournament, Chooks to Go, Pilipinas, Pool C, Tokyo Summer Olympics, 2019 Fiba 3x3 Qualifying Tournament, Chooks to Go, Pilipinas, Pool C, Tokyo Summer Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.