NDRRMC: Patay sa mga lindol sa Mindanao umabot na sa 17
Umabot na sa 17 ang opisyal na bilang ng nasawi sa magnitude 6.6 at 6.5 na yumanig sa Mindanao nitong Martes at Huwebes.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umakyat sa 14 ang nasawi sa Soccsksargen at nanatili naman sa tatlo ang sa Davao Region.
Narito ang pagkakakilanlan ng mga nasawi:
South Cotabato
- Nestor Narciso
- Marcelo Tare
Cotabato
- Samuel Linao Andy
- Renee Corpuz
- Marichelle Morla
- Patricio Lumayon
- Pao Zailon Abdulah
- Isidro Gomez
- Cesar Benjie Bangot
- Romel Galicia
- Priscilla Varona
- Juve Gabriel Jaoud
- Tessie Alacayde
Sultan Kudarat
- Lito Peles Mino
Davao del Sur
- Jessie Riel Parba
- Benita B. Saban
- Romulo Naraga
Bukod sa 17 nasawi, umabot naman sa 307 ang nasugatan na bumaba mula sa unang napaulat na 403 habang nananatiling nawawala ang dalawang katao.
Umabot na sa 3,365 imprasktraktura sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen, Davao Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nasira ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.