Patuloy na nararamdaman ang aftershocks sa Cotabato matapos ang pagtama ng malalakas na lindol, pinakahuli ang magnitide 3.2 na lindol Biyernes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang aftershock sa bayan ng Tulunan alas 9:46 ng gabi.
Ang lindol ay may lalim na 26 kilometro.
Naitala ang Intensity II at Instrumental Intensity I sa Kidapawan City.
Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian ang naturang aftershock.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.