Ilang bahagi ng Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin
Patuloy na makararanas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 2:32 ng hapon ng Biyernes, Nov. 1 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Zambales, Bataan, Batangas, at Quezon.
Ang nasabing kondisyon ng panahon ay nararanasan na rin sa Las Pinas City, Paranaque City, at Muntinlupa; San Pedro, Laguna; Mabalacat at Magalang sa Pampanga; Zaragoza, Nueva Ecija at sa Cavite.
Pinayuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides na maaring maidulot ng mararanasang malakas na buhos ng ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.