Mga dadagsa sa Loyola Memorial Park sa Marikina City maaring umabot sa 100,000 ngayong araw
Tuluy-tuloy din ang dagsa ng mga tao sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Alas 6:00 ng umaga ay umabot sahalos 20,000 katao ang crowd estimate sa sementeryo.
Ayon sa Marikina Police, ngayong maghapon ay posibleng umabot sa 100,000 hanggang 200,000 ang dadagsa sa libingan.
Maaga namang nag-inspeksyon sa Loyola Memorial Park si National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director Police Brig. Gen. Debild Sinas.
Ang Loyola Memorial Park ang pinakamalaking sementeryo sa lungsod at may pinakamaraming dumarayo kapag panahon ng Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.