Islamic State kinumpirmang patay na si Baghdadi, nagpahayag ng pagganti
Kinumpirma ng Islamic State araw ng Huwebes na napatay nga ang kanilang lider na si Abu Bakr al-Baghdadi.
Ito ang ipinahayag ng teroristang grupo sa pamamagitan ng audito tape sa news agency nila na ‘Amaq’ matapos ang raid ng US special forces.
Magugunitang napatay si Baghdadi sa operasyon noong weekend sa northwestern Syria at kinumpirma na mismo ito ni US President Donald Trump.
Pero napalitan na si Baghdadi at itinalaga sa kanyang pwesto si Abu Ibrahim al-Hashemi al-Quraishi.
Ayon kay Aymenn al-Tamimi, researcher sa Swansea University na nakatuon ang ‘focus’ sa Islamic State, hindi kilala ang pangalan ngunit maaaring ito ang tinutukoy na Hajj Abdullah.
Si Hajj Abdullah ang sinasabi ng US State Department na posibleng pumalit kay Baghdadi.
“It could be someone we know, who perhaps has just assumed this new name,” ani Tamimi.
Samantala, sa nasabi ring audio tape nagbabala ang ISIS na gaganti sa pagkamatay ng kanilang lider.
“Beware vengeance (against) their nation and their brethren of infidels and apostates, and carrying out the will of the commander of the faithful in his last audio message, and getting closer to God with the blood of polytheists,” ayon sa isang ISIS spokesman.
Ayon kay Tamimi, posibleng nais iparating ng ISIS na hindi porket napatay na si Baghdadi ay nawasak na ang grupo.
“I think they’re trying to send the message, ‘Don’t think you’ve destroyed the project just because you’ve killed Abu Bakr al-Baghdadi and the official spokesman’,” ani Tamimi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.