Duterte hindi na mag-iinspeksyon sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Mindanao
Hindi na itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iinspeksyon sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Mindanao region.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ayaw na kasi ng pangulo na maabala pa ang ginagawang pagresponde ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Kuntento naman aniya ang pangulo sa ayuda na ibinibigay ng gobyerno.
Ayon kay Panelo, bagama’t hindi na mag iinspeksyon ang pangulo, mahigpit naman nitong minomonitor ang sitwasyon sa Mindanao.
Inatasan na rin aniya ng pangulo ang iba’t ibang tanggapan na tiyaking mabilis na maibibigay ang tulong na kinakailangan ng mga apektadong residente.
Ayon kay Panelo, tuloy din ang biyahe ngayong araw ni Pangulong Duterte patungong Bangkok, Thailand para dumalo sa 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.