Bayan ng Makilala sa N. Cotabato umaapela ng tulong

By Rhommel Balasbas November 01, 2019 - 03:40 AM

Bayan ng Makilala FB

Nananawagan ng tulong ang bayan ng Makilala sa North Cotabato para sa mga mamamayan nitong naapektuhan ng serye ng mga pagyanig sa nakalipas na dalawang linggo.

Ipinadaan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng isang Facebook post ang kanilang hinihinging tulong.

Kailangan anila ng nga trucks o anumang uri ng sasakyan na kayang makapaglipat sa kanilang mga mamamayan sa evacuation centers.

Bukod dito kailangan din nila ang mga sumusunod:

  • Tents
  • Pagkain
  • Tubig
  • Gamot
  • Safety Kits
  • Kitchen Utensils
  • Damit

Ayon sa Makilala officials, nasa ‘state of panic’ ang kanilang mga residente bunsod ng mga pagyanig.

Ang mga nagnanais tumulong ay maaaring magmessage sa Facebook page ng Makilala LGU na ‘Bayan ng Makilala’ o hindi kaya ay makipag-ugnayan sa disaster official na si Sonny Fontanilla sa numerong 09297598274.

TAGS: Evacuation center, lindol, makilala, nanawagan, North Cotabato, truck, tulong, Evacuation center, lindol, makilala, nanawagan, North Cotabato, truck, tulong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.