AFP, nagtaas ng alert level dahil sa Jakarta attacks
Itinaas na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang security alert levels sa bansa kasunod ng sunud-sunod na pagpapasabog sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, isinailalim na sa heightened alert ang buong bansa para matiyak ang kahandaan sakaling malagay tayo sa oras ng kagipitan.
Gayunman, nilinaw ni Padilla na wala pa silang namo-monitor na anumang banta sa ngayon.
Umapela naman ang AFP at Philippine National Police (PNP) sa publiko na maging mas maingat at mapag-matyag upang makatulong na rin sa pag-sugpo sa mga banta sa ating seguridad.
Sa kanilang joint statement, tiniyak ng AFP at PNP na batid nila ang pag-laganap ng mga banta sa paligid kaya’t nagsasagawa na sila ng mas pinaigting na mga operasyon laban sa terorismo saan mang panig ng bansa.
Pito ang nasawi sa magkakahiwalay na pag-atake sa Jakarta nitong Huwebes, na sinimulan ng tatlong suicide bombers sa isang coffee shop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.