Operasyon sa ilang electric cooperative sa Mindanao normal na matapos ang lindol

By Noel Talacay November 01, 2019 - 01:20 AM

Inihayag ng Department of Energy (DOE) na pito mula sa siyam na mga electric cooperative sa Mindanao ay nasa normal na ang operasyon matapos ang magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, North Cotabato.

Ayon sa Task Force Energy Resiliency (TFER) ng DOE, walang power interruption na mararanasan ang mga customer ng mga sumusunod ng electric cooperative: DORECO (Davao Oriental); DANECO (Davao del Norte); COTELCO-PPALMA (North Cotabato); SOCOTECO-1 (South Cotabato); SOCOTECO-2 (South Cotabato); SUKELCO (Sultan Kudarat) at LANECO (Lanao del Norte)

Nagpapatuloy naman ang ginagawang pagsasaayos at line survey and rehabilitation ng DASURECO sa Davao del Sur.

Ang COTELCO (North Cotabato) ay hinihintay pa ang clearance mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil inilipat ang supply ng kuryente nito mula sa Mt. Apo papuntang Tacurong substation.

Hinikayat naman ni DOE Secretary Alfonso Cusi ang mga residente ng Mindanao na agad na ipagbigay alam sa kanilang mga electric cooperative kung sakaling may nakitang nasira o pinsalang poste ng kuryente upang ma maisaayos agad ito.

 

TAGS: DOE, DOE Secretary Alfonso Cusi, electric cooperative, normal na, rehabilitasyon, DOE, DOE Secretary Alfonso Cusi, electric cooperative, normal na, rehabilitasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.