Mamasapano reinvestigation, hindi na makabubuti- MILF
Mas palulubhain lamang ng muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senado sa Mamasapano incident ang mga naghihilom nang pighati ng mga naapektuhan, lalo na ng mga namatayan.
Ito ang babala ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) vice chair for political affairs Ghadzali Jaafar hinggil sa mga maaring maging epekto ng reinvestigation sa madugong engkwentrong naganap sa Mamasapano, Maguindanao mag-iisang taon na ang nakalilipas.
Naniniwala rin si Jaafar na dahil panahon na ng eleksyon ngayon, magiging daan lamang ito para pakinabangan ng mga pulitikong nais bumida sa publiko.
Aniya, para sa MILF, sarado na ang kaso ng Mamasapano incident, at dumating na ang panahon para mag-move on na ang mga Pilipino sa nangyari, at gawin na itong aral para hindi na maulit pa.
Ngunit, aminado naman si Jaafar na wala silang magagawa kundi kumontra lang dahil gagawin pa rin naman ng gobyerno kung ano man ang naisin nilang gawin.
Nilinaw naman niya na wala pang natatanggap ang MILF na anumang imbitasyon mula sa Senado para dumalo sa imbestigasyon.
Sakali naman aniyang makatanggap sila, pagde-desisyunan pa ito ng kanilang central committee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.