Duterte ibibigay kay Robredo ang law enforcement power sa natitirang araw ng kanyang termino
Hindi lamang anim na buwan kundi handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay kay Vice President Leni Robredo ang kanyang law enforcement power sa natitirang mga araw ng termino nito.
Pahayag ito ng pangulo sa media matapos bumisita sa puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City araw ng Huwebes.
Ayon sa pangulo, bakit daw niya bibigyan si Robredo ng anim na buwan, lahat na lang anya ng natitirang mga araw sa kanyang termino ay sa pangalawang pangulo na.
“Bakit ko bigyan si Leni ng six months? Eh ‘di bigay ko lahat ng remaining days of my term kung gusto niya,” ani Duterte.
Una nang sinabi ng pangulo na inalok niya ang bise presidente na maging drug czar.
Bibigyan umano ni Pangulong Duterte si VP Robredo ng buong kapangyarihan para resolbahin ang problema sa droga sa bansa sa loob ng anim na buwan.
Katwiran ng pangulo, madaldal si Robredo at puro batikos kaya baka may alam itong solusyon.
Pero tinanggihan ito ni Robredo sa katwiran na kung matagumpay anya ang drug war ay bakit ito ipapasa sa kanyang ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.