7 sundalo sugatan sa barilan laban sa ASG sa Sulu
Pitong mga sundalo ang sugatan makaraang makabarilan ang ilang mga kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu.
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naka-enkwentro ng mga tauhan ng 1st Scout Ranger Battalion ng Philippine Army ang 30 ASG members na pinamumunuan ni Hatib Hajan Sawadjaan sa Sitio Kan Mindang, Barangay Pangdanon sa bayan ng Patikul kaninang umaga
Tumagal ng 50 minuto ang barilan bago umatras ang mga miyembro ng ASG kung saan ay isinaman nila sa kanilang pagtakas ang mga sugatang kasamahan.
Kaagad na nagpadala ng dagdag na mga tauhan ang Western Mindanao Command (Westmincom) para tugisin ang mga tumakas na bandido
“We believe that a number of bandits were wounded and probably could have died due to loss of blood, for our troops have seen lots of bloodstains in the enemy position and in their withdrawal route,” ayon kay Maj. Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force Sulu.
Ang mga sugatang sundalao ay kasalukuyang ginagamot sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Busbus, Jolo.
Nabawi mula sa mga tumakas na bandido ang limang improvised explosive devices, medical supplies, detonating cord, sari-saring mga bala ng baril at ilang mga personal na kagamitan.
Dahil sa nasabing bakbakan ay nabisto ng mga otoridad ang isang terrorist cell na matatagpuan sa Barangay Panglayahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.