Operasyon ng Philippine Airlines at Cebu Pacific sa Mindanao tuloy pa rin ngayong araw

By Angellic Jordan October 31, 2019 - 05:15 PM

FILE

Sa kabila ng tumamang malakas na lindol, tuloy pa rin ang operasyon ng Philippine Airlines at Cebu Pacific sa Mindanao ngayong araw ng Huwebes (October 31).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, na tuloy pa rin ang kanilang biyahe patungong Davao, General Santos at Cotabato.

Aniya, nasiguro ng kanilang airport at ticket office administrators na walang naging problema base sa isinagawang inisyal na security inspections.

Bukas din aniya ang mga airport at ticketing office sa nasabing rehiyon.

Sa hiwalay na pahayag, tiniyak din ng Cebu Pacific na tuloy ang kanilang mga naka-iskedyul na biyahe ngayong araw.

Mag-antabay anila sa kanilang anunsiyo kung magkakaroon ng pagbabago sa biyahe ng airline company.

TAGS: airport at ticket office administrators, Mindanao, paliparan, Philippine Airlines at Cebu Pacific, airport at ticket office administrators, Mindanao, paliparan, Philippine Airlines at Cebu Pacific

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.