Duterte tuloy sa pagdalo sa Asean Summit sa Thailand
Sinabi ng Malacanang na tuloy ang pagbibigay ng direktiba ng pangulo sa mga concerned government agencies para sa mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao kaninang umaga.
Nasa kanilang bahay si Pangulong Rodrigo Duterte nang maganap ang pagyanig kung saan ay kinakitaan rin ng ilang bitak ang ilang bahagi nito.
Sa inilabas na pahayag ng Malacanang, sinabi ni Presidential Salvador Panelo na tuloy sa kanyang byahe sa Thailand ang pangulo para dumalo sa 35th Association of Southeast Asian Nation (Asean) Summit.
Ipinaliwanag rin ng kalihim na hindi na muna makikialam ang pangulo sa trabaho ng ilang local officials sa pangangalap ng mga dagdag na detalye sa trahedya.
“The President, however, deems it appropriate to refrain from personally inspecting the disaster-stricken areas and directing actions in response to the catastrophe as there are already ongoing operations by the responsible local government units, and they have so far effectively responded to the current critical situation”, ayon pa kay Panelo.
Bukas ng hapon nakatakdang bumiyahe ang pangulo papunta sa Thailand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.