Hindi bababa sa 9 sugatan sa gumuhong condo sa Davao City

By Angellic Jordan October 31, 2019 - 04:25 PM

Hindi bababa sa siyam katao ang nasugatan matapos gumuho ang isang condominium sa Davao City bunsod ng tumamang magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, gumuho ang Ecoland 4000 sa bahagi ng Matina.

Sinusuri na aniya ng Central 911 teams ang rooftop hanggang ikatlong palapag ng gusali.

Pinaka-apektado aniya ang ikalawang palapag ng gusali.

Sinabi aniya ng administrator ng condo na nagpatupad sila ng forced evacuation nang mangyari ang lindol.

Patuloy ang isinasagawang assessment sa lugar.

TAGS: Central 911 teams, Davao City, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Ecoland 4000, Central 911 teams, Davao City, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Ecoland 4000

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.