DPWH nagpadala na ng assessment team sa mga lugar na naapektuhan ng panibagong lindol sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2019 - 12:18 PM

Nagpadala na ng team ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na naapektuhan ng panibagong malakas na lindol sa Mindanao.

Ayon sa DPWH, may ipinadala nang team para i-assess ang structural integrity at pinsala ng mga pasilidad.

Kabilang sa susuriin ang mga istraktura sa Davao, Davao Del Sur, Davao Occidental, South Cotabato, North Cotabato, Cagayan de Oro City, Agusan del Sur, Bukidnon, Saranggani, Sultan Kudarat at Zamboanga.

Pinayuhan naman ng DPWH ang mga mangangailangan ng agarang pag-iinspeksyon at rescue operations na tumawag sa kanilang hotline number na 165-02.

Bukas 24/7 ang naturang hotline para sa inspection requests at rescue operations.

TAGS: assessment team, DPWH, earthquake, inspection requests, Mindanao Quake, PH news, Philippine breaking news, rescue operations, Tagalog breaking news, tagalog news website, assessment team, DPWH, earthquake, inspection requests, Mindanao Quake, PH news, Philippine breaking news, rescue operations, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.