Iniulat ng Department of Health (DOH) na halos 96 percent na ang coverage ng bakuna kontra sa sakit na polio.
Ito ay kasunod ng “Sabayang Patak Kontra Polio” na isinagawa sa National Capital Region (NCR) at sa Lanao del Sur, Marawi City, Davao del Sur at Davao City sa Mindanao mula October 14 hanggang 27.
Mahigit 1.2 milyon o 95.58 percent na mga sanggol mula 0-59 buwan sa 17 syudad, munisipalidad sa NCR ang nabigyan ng Oral Polio Vaccine (OPV).
Mahigit 66,000 ang nabakunahan sa Davao del Sur habang sa Lanao del Sur ay mahigit 143,000 ang nabigyan ng OPV.
Ikunatuwa ni Health Secretary Francisco Duque III ang mataas na turn-out ng polio vaccination.
Patunay anya ito na marami na ang bumalik ang tiwala sa bakuna na makakatulong sa immunization programs ng gobyerno.
Hinikayat ng kalihim ang mga magulang na patuloy na suportahan ang sabayang bakuna kontra polio.
Muling magsasagawa ng Sabayang Patak Kontra Polio sa November 24 para sa second round sa NCR at buong Mindanao habang ang third round sa Mindanao ay sa Januaray 6, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.