Muling bubuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Marcos Bridge sa Marikina ngayong Huwebes, October 31.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang muling pagbubukas ng tulay ay pagtupad sa kanilang pangako at alinsunod sa Build, Build, Build program ng gobyerno.
Noong May 25 ay sumailalaim sa rehabilitasyon ang Marcos Bridge.
Isa ito sa mga pangunahing daanan ng mga motorista at mga pasahero mula Marikina at Antipolo hanggang Quezon City at pabalik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.