3 port projects ng DOTr sa Caraga Region pinasinayaan

By Angellic Jordan October 30, 2019 - 11:32 PM

Pinasinayaan na ang tatlong port projects ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine Ports Authority (PPA) sa Caraga Region.

Personal na dumalo sa muling pagbubukas ng mga pantalan si Transportation Secretary Arthur Tugade at PPA General Manager Jay Santiago.

Unang pinuntahan ng dalawang opisyal ang Port Integrated Clearing Office (PICO) sa Port of Butuan.

Sunod na ininspeksyon ang expansion at renovation ng Port of Masao.

Dumalo rin si Tugade sa inagurasyon ng bagong Port Operations Building sa magiging one-stop shop ng mga transaksyon sa nasabing pantalan.

Sa kaniyang talumpati, nagpapaalala ang kalihim sa mga empleyado na mababalewala ang kaayusan ng mga gusali kung walang tamang kultura at maayos na pagtatrabaho ng mga empleyado.

Binanggit din nito na dapat walang bahid ng korapsyon sa pagtatrabaho.

 

TAGS: Caraga, dotr, one stop shop, Philippine Ports Authority, port, PPA General Manager Jay Santiago, project, Transportation Secretary Arthur Tugade, Caraga, dotr, one stop shop, Philippine Ports Authority, port, PPA General Manager Jay Santiago, project, Transportation Secretary Arthur Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.