DILG, umaasa na magiging mapayapa ang Undas 2019
Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na handa na ang mga pulis para Undas 2019.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año na ang Undas ay ginugunita taon taon para sa mga namayapang kaanak kaya naman ilang linggo pa lamang bago ang araw na ito ay may plano ang mga pulis para sa seguridad ng mga tao.
Dahil anya ang mga kriminal ay sumasalakay para mambiktima sa araw ng Undas.
Kaya naman hinikayat din niya ang mga local na pamahalaan sa bansa na palakasin ang kanilang Local Peace and Order Council (LPOC).
Mas mainam anya na magkaroon din ang mga LGU ng contingency plan upang matiyak ang siguridad ng kanilang nasasakupan.
Pakiusap niya sa publiko na huwag iwanan ang bahay ngayon Undas at kung maaari mayroon dapat mag bantay ng bahay kung uuwi ng kanilang probinsya.
Umaasa naman ang kalihim na magiging mapayapa at maaayos ang gaganaping Undas sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.