Broadcaster sugatan sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Tacurong City

By Den Macaranas October 30, 2019 - 03:45 PM

FB photo

Nasa kritikal na kundisyon ang isang radio broadcaster makaraan siyang pagbabarilin sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Tacurong City Police Chief Rey Egos ang biktima na si Benjie Caballero, station manager ng Radyo ni Juan Tacurong.

Pasado ala-una ng tanghali kanina nang maganap ang pamamaril sa biktima habang nag-aabang ng tricycle sa Purok Sampaguita, Brgy. New Isabel, Tacurong City.

Nabatid na huminto sa kanyang harapan ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril siya ng mga ito.

Nagtamo ng multiple gunshot wounds sa katawan ang biktima at ngayo’y ginagamot sa Saint Louis Hospital sa nasabing lungsod.

Isang team naman ang binuo ng PNP para imbestigahan ang nasabing pamamaril.

TAGS: caballero, riding in tandem, sultan kudarat, TAcurong City, caballero, riding in tandem, sultan kudarat, TAcurong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.