Ex-US Vice President Joe Biden hindi pinatanggap ng komunyon sa South Carolina

By Rhommel Balasbas October 30, 2019 - 04:00 AM

AP photo

Isang pari sa South Carolina ang hindi pinatanggap ng Banal na Komunyon si dating US Vice President at ngayon’y presidential candidate Joe Biden.

Ayon sa ulat ng foreign media, hindi nagbigay ng komunyon kay Biden ang pari na si Fr. Robert Morey ng St. Anthony Catholic Church, Diocese of Charleston, South Carolina dahil sa pagsuporta ng pulitiko sa legal abortion.

“Sadly, this past Sunday, I had to refuse Holy Communion to former Vice President Joe Biden,” ayon sa statement ni Morey sa Catholic News Agency (CNA).

Iginiit ni Morey na ang pagtanggap na Komunyon ay tanda ng pakikiisa sa Diyos, sa kapwa at sa Simbahan.

Kaya sinuman anyang nagtataguyod sa aborsyon at naglalagay sa kanyang sarili sa labas ng turo ng Simbahan.

“Holy Communion signifies we are one with God, each other and the Church. Our actions should reflect that. Any public figure who advocates for abortion places himself or herself outside of Church teaching,”giit ni Morey.

Si Fr. Morey ay naging abugado sa loob ng 14 nagtrabaho sa Environmental Protection Agency at US Department of Energy bago naging pari.

Nasa South Carolina si Biden noong weekend para sa kampanya.

Sa ilalim ng Canon 915 ng Code of Canon Law ng simbahan, ang sinumang ’excommunicated’ o hindi kaya ay nasa ‘state of grave sin’ ay hindi maaaring tumanggap ng komunyon.

 

TAGS: “unique and exotic”, dating Vice President Joe Biden, excommunicated, Holy Communion, Komunyon, pari, South Carolina, suporta, “unique and exotic”, dating Vice President Joe Biden, excommunicated, Holy Communion, Komunyon, pari, South Carolina, suporta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.