Phivolcs nagbabala ng mas malakas na lindol kasunod ng M6.6 na lindol sa Tulunan, Cotabato
Nagbabala ang Phivolcs ng posibleng pagtama ng mas malakas na lindol kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Tulunan, Cotabato Martes ng umaga.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, pinag-aaralan nila kung parehong fault ang gumalaw sa lindol kahapon at noong October 16 kung saan tumama ang magnitude 6.3 na lindol.
Dagdag ni Solidum, seismic zone ang episentro ng pagyanig at patuloy ang paggalaw ng lugar.
Dahil aktibo ang fault, pinayuhan ng ahensya ang mga residente na posible pa ang susunod na mga lindol na mas malaki pa sa magnitude 6.3.
“Yung faults dyan ay may kakayahan na mas malaki sa magnitude 6.3 na pwede ipakawala, hindi po natin inaalis ‘yung posibilidad na may sumunod na mas malaki,” ani Solidum.
Paliwanag ng opisyal, inisyal lamang ang vertical motion at ang mas matagal ay ang horizontal motion na anyay mas malakas at mapaminsala.
Hindi bababa sa anim ang namatay dahil sa naturang malakas na lindol habang mahigit 22 na ang naitalang aftershocks hanggang Martes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.