Robredo: Hindi dapat pikon at balat-sibuyas ang mga opisyal ng gobyerno
Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat magpadala sa emosyon, ego at maging balat-sibuyas ang mga opisyal ng gobyerno.
Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hamon na pamunuan ang kampanya kontra sa ilegal sa droga matapos maglabas ng saloobin si Robredo sa nasabing programa ng gobyerno.
Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na kung magiging balat-sibuyas, posibleng hindi matugunan ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang tungkulin nang maayos.
Aniya pa, mas pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang mga problema sa bansa kaysa bigyang-atensyon ang mga isyu laban sa kaniya.
Dati pa aniya siyang nakatatanggap ng mga insulto mula sa pangulo.Ngunit dahil sa dami ng trabaho, sinabi ng bise presidente na natutunan niyang tumutok sa mga mas importanteng bagay.
Hindi aniya siya magpapaapekto sa ginagawa niyang trabaho dahil mayroon na lamang siyang tatlong taon sa kaniyang termino.
Matatandaang hinamon ng pangulo si Robredo na maging anti-drug czar para pangunahan ang war on drugs campaign ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.