Nagpa-abot ng pakikiramay ang Malacanang sa pamilyang naiwan ni dating United Nations High Commissioner for Refugees at dating pangulo ng Japan International Cooperation Agency na si Sadako Ogata.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, kaisa ang palasyo sa pagdadalamhati ng pamilya Ogata.
Si Ogata ay ginawaran ng Order of Sikatuna noong 2013 dahil sa hindi matatawarang kontribusyon sa Pilipinas para sa pagpapalago sa socio economic, human development and security pati na ang peace and development sa Mindanao region.
Ayon kay Panelo, malaki rin ang naiambag ni Ogata sa humanitarian assistance sa bansa sa pamamagitan ng JICA.
Dagdag ni panelo habang buhay nang kikilalanin ng Pilipinas ang mga tulong ni Ogata para mapaigting pa ang relasyon ng Pilipinas at Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.