Mga militante nag-rally sa SC para tutulan ang EDCA
Lumusob sa harap ng Korte Suprema ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan at Gabriela para ihayag ang pagdismaya sa naging pasya ng Mataas na Hukuman sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Ayon sa grupo, nagtungo sila sa Supreme Court upang iparating ang kanilang pagtutol sa deklarasyong naaayon sa Saligang Batas ang EDCA.
Sinabi ng BAYAN-Southern Tagalog na ginagarantiya ng desisyon ng korte ang buong implementasyon ng makadayuhan at anila’y hindi maka-mamamayang EDCA pabor sa Estados Unidos.
Naniniwala ang grupo na sa pamamagitan ng EDCA ay higit na lalakas ang presensya ng militar ng US sa bansa.
Nangangamba din ang grupo na baka kagatin ng US ang dalawa sa mga alok na posibleng base militar sa bansa, kabilang ang Ulugan Bay sa Palawan at Sangley Point sa Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.