2 driver, 2 konduktor nagpositibo sa random drug test ng PDEA sa bus terminal sa Davao City

By Jimmy Tamayo October 29, 2019 - 10:46 AM

CDN FILE PHOTO

Dalawang bus driver at dalawang konduktor sa isang bus terminal sa Davao City ang nagpositibo sa droga sa random at surprise drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Isinagawa ng PDEA-Davao ang drug test sa Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) sa tulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Davao kaugnay ng Oplan Biyaheng Ayos Undas 2019 para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa isang panayam, sinabi ni PDEA-Davo Legal counsel Joseph Tesiornas na agad na aabisuhan ang bus operators ng mga nag-positibo sa droga.

Nilinaw naman ni Tesiornas na hihintayin muna nila ang confirmatory results ng drug test bago irekomenda ang rehabilitasyon sa apat.

TAGS: Davao City, drug test, PH news, Philippines Breaking news, PUV drivers, Radyo Inquirer, tagalog news website, Davao City, drug test, PH news, Philippines Breaking news, PUV drivers, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.