Pangilinan sa ibibigay na 6-month law enforcement powers kay Robredo: ‘Gawin na nilang 3 years’

By Rhommel Balasbas October 29, 2019 - 04:55 AM

Hinamon ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihayag ang planong pagbibigay ng anim na buwang law-enforcement powers kay Vice President Leni Robredo.

Sa pahayag Lunes ng gabi, sinabi ni Pangilinan na imbes na anim na buwan, bakit hindi pa ito gawing tatlong taon.

Nauna nang inihayag ng presidente ang plano sa talumpati sa Malacañang matapos ang kritisismo ni Robredo sa giyera kontra droga.

Pero nilinaw ng pangulo sa panayam ng reporters na nais niya lang gawing ‘drug czar’ ang bise presidente.

Ayon kay Pangilinan, kung tatlong taong ibibigay kay Robredo ang law enforcement powers tiyak na wala nang lulusot na tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs (BOC).

Wala na rin anyang araw-araw na patayan na target lamang ang mahihirap habang ang mga sindikato at ninja cops ay naaabswelto at nabibigyan ng mataas na posisyon.

Dagdag pa ng senador, kung si Robredo ang mamuno ay hindi na magiging sunud-sunuran ang bansa sa China.

TAGS: 3 taon, 6 buwan, BOC, drug czar, law-enforcement powers, ninja cops, Rodrigo Duterte, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, Vice President Leni Robredo, 3 taon, 6 buwan, BOC, drug czar, law-enforcement powers, ninja cops, Rodrigo Duterte, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.