Magkapatid na Jasmine at Anne Curtis, nag-aaway ‘in private’

By Len Montaño October 29, 2019 - 04:45 AM

Aminado si Jasmine Custis na nag-aaway at nagkakatampuhan din sila ng kapatid na si Anne Curtis.

Pero tiniyak na Jasmine na anuman ang hindi nila pagkaka-unawaan ng kanyang ate ay sa kanila na lamang ito.

Ayon sa aktres, “in private” at hindi nila ipinangangalandakan ang away nilang magkapatid.

Ang pahayag ni Jasmine ay sa gitna ng bangayan ng magkakapatid na Barretto.

Sinabi ni Jasmine na madalang silang mag-away ng kanyang Ate Anne, katunayan ay mabibilang lamang sa isang kamay na nagkaroon sila ng isyu.

Dagdag nito, kahit kailan ay walang pisikal na aspeto ang away nilang dalawa.

Giit ni Jasmine, peace, love at happiness ang umiiral sa kanila ni Anne.

 

TAGS: Anne Curtis, away, barretto, happiness, in private, Jasmine Curtis, Love, peace, tampuhan, Anne Curtis, away, barretto, happiness, in private, Jasmine Curtis, Love, peace, tampuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.