Iminungkahi ni ACT-CIS Rep. Eric Yap sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sila na ang mag isyu ng person with disability (PWD) ID para maiwasan na ang pamemeke nito.
Sinabi ni Yap, na dapat ay gawing centralized ang pagkuha nito sa DSWD sa halip na pumunta pa sa PWD Affairs Office, Mayor’s Office, City o Municipal Social Welfare Development Office.
Bukod dito marami pa aniyang proseso na dapat gawin pagpunta dito tulad ng pagberipika sa Certificate of Disability na dapat ay magtungo pa sa City o Municipal health office o barangay satellite health office.
Giit ng kongresista napakahirap kumuha ng PWD ID kapag tunay na may kapansanan dahil sa madaming dadaanan kaya dapat na gawin na itong centralize sa DSWD.
Dahil sa paghirap ng ID kaya ang iba umanong aplikante ay dumadaan sa fixers para hind na pumila at sa halagang P5000 ay mabibigyan na sila nito .
Kaya kahit maging ang mga mayayaman umano ay sinasamantala ang pagkuha ng ID kahit mga walang kapansanan.
Nauna nang pinaiimbestigahan sa Kamara ni Yap ang umanoy pag iisyu ng PWD ID kahit sa mga walang kapansanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.