“Hidwaang negosyo, pulitika sa isyu ng African Swine Fever” sa ‘WAG KANG PIKON ni JAKE MADERAZO

By Jake Maderazo October 28, 2019 - 06:39 AM

KABILANG na ang Pilipinas sa mga bansang apektado ng African Swine Fever tulad ng China, Hong Kong, Russia, Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar Eastern Europe, Germany, Hungary, Poland Africa, Belgium, at North Korea. Ang ASF ay “deadly” na sakit ng baboy, ngunit walang epekto sa tao.

Katunayan, tuloy ang pagkain at pagluto ng baboy sa mga bansang may ASF at wala namang namamatay na tao.

Kaya lamang malaking isyu ito ngayon ay dahil posibleng maubos ang pig population sa kanilang bansa at maging sa atin.

Sa ngayon, mahigit 60,000 baboy na ang namatay mula Setyembre at ito’y halos 1 percent lamang ng 12.7 milyon na kabuuang populasyon sa buong bansa. Luzon lamang ang apektado matapos makapasok ito sa Rodriguez, Rizal dahil sa “kaning-baboy” mula sa five-star hotels na meron palang tira-tirang imported ASF pork”.

Kumalat ito sa Quezon City, Bulacan, Cavite at ngayo’y Pangasinan. Pero, wala nito sa Visayas at Mindanao.

Sa ngayon, ipinatutupad ng Department of Agriculture ang controlled monitoring o mahigpit na patakaran sa paglilipat ng mga live hogs sa buong bansa, mula backyard far-ming, slaughterhouse hanggang pamilihan na kailangang may kaukulang sertipikasyon.

Bukod dito, nagsarili ang 56 sa 81 lalawigan sa buong bansa na ipagbawal din ang pagpasok ng mga processed meat products tulad ng hotdog, tocino, bacon pati na rin mga canned meat products o de latang karne.

Ayon sa Philippine association of Meat processors Inc. (PAMPI), nalulugi sila ngayon ng P55-bilyon sa buong taon kabilang na ang P22 bilyon hanggang P23 bilyon ngayong kapaskuhan

Kaya naman, nag-isyu ang DILG ng order para sa 56 gobernador na alisin na ang ban sa processed meat products sa kanilang lugar.

Tinitiyak ng world experts pati na rin sina Health undersecretary-FDA chief Eric Domingo at Agriculture Secretary William Dar na walang epekto ang ASF sa tao. Tulad ng sabi ko ka-nina, hindi naman ipinagbawal ang mga de latang karne.

Sa China, Russia at sa lahat ng mga ASF countries sa buong mundo dahil ang ASF virus ay napapatay sa “heat treatment” o pagluluto sa 60-72 degrees Celsius na init sa higit isang oras.

Ayon sa DILG, ang mga “pork based” products ay mayroong Veterinary health certificiate, sanitary phyto import permit kung imported. Lahat ng domestic pork ay kailangang pumasa sa National Meat Inspection commission lalo na yung walang “heat treatment”.

Ngunit nabulilyaso ang DILG nang ibulgar ng Bureau of Animal Industry na positibo sa ASF ang processed meat na hotdogs, longganisa at iba pa ng Mekeni Foods Corp (hindi miyembro ng PAMPI) na nahuli sa Mindoro.

Agad nilang ni-recall ang lahat ng kanilang “pork based pro-ducts” at kinwestyon ang findings ng BAI. Posible umanong nahawa lang ang kanilang produkto sa ilang unbranded pork sa loob ng isang freezer nang mahuli.

Dahil dito, nanindigan ang mga LGU na ituloy ang kanilang pagbabawal sa mga processed meat pro-ducts.

Ginatungan pa ito ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa LGU na “No ASF test, no entry, No proof of ASF FREE, no entry”.

Kung tutuusin, wala namang problema talaga sa de-lata o naka-paketeng processed meat products, napakapangit lang tingnan ang palihim pero napakainit na digmaan ng mga “business interests” sa bilyun-bilyong pisong pork industry.

TAGS: African Swine Fever, hog raisers, meat industry, PH news, Philippine Association of Meat Processors Inc., Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, African Swine Fever, hog raisers, meat industry, PH news, Philippine Association of Meat Processors Inc., Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.