PCG: Pasahero sa mga pantalan umabot sa higit 83,000
Patuloy ang pagdagsa ng mga umuuwi sa kani-kanilang probinsya para sa paggunita ng Undas.
Sa nationwide passenger monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa Oplan Biyaheng Ayos Undas 2019, umabot sa 83,345 ang pasahero sa mga pantalan mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi ng Linggo.
Ayon sa PCG, pinakamarami ang pasahero sa Western Visayas na may 22,356 at sinundan ng Central Visayas na may 17,436.
Ang mga lalawigan na may pinakamalaking bilang ng outbound passenger ay Cebu, 9,747 at Aklan, 9,710.
Ang monitoring ng PCG sa outbound passengers sa mga pantalan ay isinasagawa sa pakikipag-ugnayan sa Malasakit Help Desk ng Department of Transportation (DOTr).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.