VP Robredo pinabulaanang nagsabi siyang ihinto ang drug war

By Rhommel Balasbas October 28, 2019 - 01:45 AM

Itinanggi ni Vice President Leni Robredo na ipinanawagan niya na ihinto ang kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

Sa kanyang radio show araw ng Linggo, sinabi ng bise presidente na nasurpresa siya sa naging headline ng Reuters sa pahayag niya sa drug war.

Ayon kay Robredo, binalikan niya ang video ng panayam at malinaw anya na walang siyang sinabing ihinto ang giyera kontra droga.

Giit ni Robredo, ang sinabi niya sa panayam ay baka kailangan ng reassessment sa drug war.

“Ang sinabi ko lang, baka kailangan mag-step back— Ito, iyong exact words ko: baka kailangan mag-step back ang gobyerno, i-assess kung ano iyong mali sa kampanya. I-assess kung ano iyong mali, iyong tama ituloy. Pero iyong mali, huwag na ituloy at palitan,”” pahayag ng bise.

Nanindigan naman ang bise presidente na hindi epektibo ang drug war at binanggit mismo ang statistics mula sa Dangerous Drugs Board at ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo mismong ang pangulo ang nagsabi sa kanyang talumpati na apat na milyon ang drug addicts noong 2017 at pumalo naman ito sa pito hanggang walong milyon nitong 2019.

“Sa kaniyang speech, 4 million na ang drug addicts noong 2017. So from 2016 to 2017, kahit in full swing iyong drug war, from 1.8 million, naging 4 million. Noong February of 2019, sa speech ulit ni Pangulo, sinasabi niya na 7 to 8 million na ang drug users,” paliwanag ng bise.

Wala anyang mali sa kanyang pahayag na hindi epektibo ang drug war dahil galing naman mismo ang datos mula sa gobyerno.

Una nang binatikos ng Palasyo ng Malacañang si Robredo dahil sa umano’y pagpapaniwala sa kasinungalingan at black propaganda laban sa drug war.

Pero ayon kay Robredo, hindi dapat maging balat-sibuyas ang gobyerno sa mga puna at dapat marunong tumanggap ng pagkakamali.

TAGS: drug war, reassessment not halt, Reuters interview, Vice President Leni Robredo, drug war, reassessment not halt, Reuters interview, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.