Pinoy nasawi sa aksidente sa hoverboard sa Dubai

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2016 - 09:49 AM

hoverboardPatay ang isang hindi pa pinangalanang Pinoy matapos maaksidente habang nakasakay sa kaniyang hoverboard sa Mushrif Park sa Dubai.

Sa ulat ng Kaleej Times, ito na ang ikalawang hoverboard-related death sa UAE matapos ang pagkasawi ng isang 6 na taong gulang na Ermirati noong October 2015 na nasagasaan ng kotse habang gamit ang kaniyang hoverboard.

Ayon sa Dubai Traffic Police, nawalan ng balanse ang Pinoy habang nakasakay sa hoverboard at tumama siya sa poste ng ilaw.

Dahil sa mga aksidente sa lansangan na may kaugnayan sa paggamit ng hoverboard, ipinagbawal na ng Traffic Federal Council sa UAE ang paggamit nito sa mga public roads.

Maging sa mga Malls sa UAE ay hindi pwedeng gumamit ng hoverboards.

Nakapagtala na rin ng pagtaas ng bilang ng mga nasusugatan sa UAE dahil sa hoverboard.

Ayon sa medical affairs ng Saqr Hospital, isa hanggang dalawang pasyente na nagtatamo ng bali sa katawan dahil sa hoverboard ang nadadala sa kanilang emergency section linggu-linggo.

TAGS: hoverboard accident, hoverboard accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.