P13.8M na shabu, nasamsam sa Zamboanga del Sur
Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit-kumulang dalawang kilo ng shabu sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur Linggo ng umaga.
Ayon kay Darmalyn Jumlail, tagapagsalita ng PDEA Western Mindanao, nasamsam ang kontrabando sa ikinasang buy-bust operation sa harap ng isang restaurant sa San Jose Gusu bandang 10:40 ng umaga.
Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto sa limang suspek na sina Yacub Alih, Pae Kamsa, Jumadatol Mohamod, Warid Palahuddin at Julim Salapuddin.
Ani Jumlail, tinatayang nagkakahalaga ang dalawang selyadong bag ng shabu ng P13.8 milyon.
Nakuha rin sa mga suspek ang limang cell phone at isang jeep.
Sa ngayon, dumaan ang mga suspek sa ilang katanungan ng mga otoridad para malaman kung sino ang nagbibigay ng suplay ng droga sa kanila.
Mahaharap ang lima sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.