Pagpatay kay Clarin, Misamis Occidental Mayor Navarro kinondena ng Malakanyang
Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang pananambang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro sa Cebu City noong Biyernes, October 25.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi maaring basta na lamang pinapatay ang sinuman gaya ng pagpatay sa isang aso, manok o baboy ramo.
“Well, gaya ng mga pahayag na naming, hindi maaari na ang mga tao basta ina-ambush, pinapatay, whether sila ay mga pinaghihinalaang involved sa drugs, or sila ay mga wanted criminals. Kailangan paparaanin natin sa proseso ng batas. Hindi pwe-pwede sa atin yung basta na papatay na lang na para kang isang aso, or isang manok or baboy ramo. We are against it,” pahayag ng Panelo.
Si Navarro ay kasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte at idinadawit sa robbery group.
Tinambangan si Navarro habang nasa kustodiya ng pulis at dadalo sana sa court hearing.
Ayon kay Panelo, kahit na kasama sa narcolist si Navarro o pinaghihinalaang sangkot sa droga o isang wanted na kriminal, kinakailangan pa ring dumaan nito sa tamang proseso ng batas at hindi na lamang basta na pinapatay.
Kontra aniya ang Palasyo sa mga prosesong hindi sumusunod sa batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.