60-40 sharing scheme sa oil exploration itutulak ng Pilipinas sa China
Igigiit ng Pilipinas sa China ang 60-40 sharing scheme sa planong joint-exploration sa West Philippine Sea.
Sa press briefing sa Malacañang araw ng Biyernes, sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ‘patas’ na ang 60-40 scheme dahil China naman ang gagastos sa oil exploration.
“That’s the net because they will spend for all the extraction and all other things,” ani Esperon.
Pero hindi pa anya ito pinal dahil maaari pang tumaas sa 60 percent ang para sa Pilipinas.
“(The proposed) 60-40 (deal) is a desirable sharing, but it is not final. It could even go up to 61 or more. One percent is always substantial when you talk about such big investments,” dagdag ni Esperon.
Ang sharing scheme ay matatalakay sakaling simulan bago magkatapusan ang negosasyon para sa oil exploration.
Nakabuo na umano noong nakaraang linggo ng isang join steering committee para simulan ang unang bugso ng diskusyon para sa joint exploration.
Matatandaang lumagda ang Pilipinas at China ng memorandum of agreement para sa joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea sa kasagsagan ng state visit ni Chinese President Xi Jinping noong 2018 sa bansa.
Ang kasunduan ay sa kabila ng pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral case laban sa China na nagbabasura sa nine-dash line claim nito sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.