NCRPO may ipakakalat na “Red Team” na magbabantay sa mga pulis na naglalaro ng golf at nagpupunta sa nightclubs

October 25, 2019 - 07:18 PM

Magpapakalat ng “red teams” ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para bantayan ang mga pulis na naglalaro ng golf kapag weekdays at nag-iinom at pumupunta sa nightclubs.

Ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, acting director ng NCRPO, ang red teams ay bubuuin ng mga pulis na galing sa Central Visayas kung saan siya huling nanilbihan bilang regional police director.

Ito ay para matiyak aniyang walang palulusuting pulis na mahuhuli.

Ayon kay Sinas, naka-motor at magkaka-buddy ang mga miyembro ng red team.

Hihilingin ng NCRPO na makapasok sila sa mga club sa gabi para makapagbantay.

Kailangan lamang ayon kay Sinas ay kuhanan ng larawan ang mga pulis na makikitang naglalaro ng golf ng weekdays at nag-iinom sa nightclubs.

TAGS: NCRPO, nightclubs, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, red teams, tagalog news website, NCRPO, nightclubs, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, red teams, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.