Di lisensyadong religious stores, ipinasasara

By Kathleen Betina Aenlle January 14, 2016 - 04:28 AM

 

CBCP-iii-copyIpinagbabawal na ni Lingayen-Dagupan Archbishop at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Socrates Villegas sa mga pari sa ilalim ng kaniyang diocese ang pagtatayo o pagtitinda sa mga religious stores na hindi reshistrado sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito ani Villegas ay para maiwasan ang impresyon na ginagawa nang negosyo ng simbahan ang relihiyong Katoliko.

Nakasaad rin sa kaniyang sirkular na may petsang January 12 na batid niyang may iba pang tinitinda sa ilang religious stores na wala nang kinalaman sa pagsusulong ng debosyon at katekismo.

Nagpapahiwatig na rin aniya kasi ang BIR hinggil sa pagpapataw ng buwis sa mga religous stores, lalo na sa ibang mga pinagkukunan ng pondo ng Simbahang Katoliko.

Ayon pa kay Villegas, napagdesisyunan sa kanilang clergy na wala munang bubuksan na bagong religious stores at ipasasara muna ang mga kasalukuyang bukas pa na tindahan hanggang sa makapag-sumite na sila ng mga kaukulang records sa BIR, at magkaroon ng mga business licenses mula sa pamahalaan alinsunod sa batas.

Bukod dito, naglabas din si Villegas ng circular noong Lunes na nagpapatigil sa mga simbahan sa pagpapatupad ng mga fixed rates sa mga serbisyo tulad ng sa binyag, o paglalabas ng mga baptismal, confirmation at marriage certificates.

Sa halip, nanawagan na lamang siya sa mga parokyano na suportahan ang Simbahan sa pamamagitan ng palagiang pagbibigay ng donasyon, kahit ano pa ang serbisyong kakailanganin nila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.