Mga opisina ng LTO magkakaroon na ng free Wi-Fi

By Angellic Jordan October 25, 2019 - 06:03 PM

Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na magkakaroon na ng libreng Wi-Fi sa kanilang tanggapan para sa publiko.

Ayon sa ahensya, ito ay matapos lagdaan ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante at Senior Vice President at Head ng PLDT and Smart Enterprise Business Groups na si Jovy Hernandez ang kontrata.

Magkakabit na ng Smart Wi-Fi hotspots sa mga tanggapan ng LTO sa buong bansa.

Ayon kay Galvante, makatutulong ang libreng Wi-Fi para mas mapagbuti ang kanilang serbisyo sa mga kliyente.

Sa unang bahagi ng proyekto, nasa animnapu’t apat na opisina ng LTO sa buong bansa ang malalagyan ng hotspot.

Sa nasabing bilang, dalawampu’t dalawa rito ay nasa Metro Manila.

TAGS: Land Transportation Office, PH news, Philippine breaking news, pldt, Radyo Inquirer free Wi-Fi, Smart, tagalog news website, Land Transportation Office, PH news, Philippine breaking news, pldt, Radyo Inquirer free Wi-Fi, Smart, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.