Police trainee nagpositibo sa paggamit ng marijuana ayon kay NCRPO chief Sinas

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2019 - 03:36 PM

Isang police trainee ang nagpositibo sa paggamit ng marijuana.

Ito ay matapos ang ikinasang random drug test ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kinilala ni Police Brigadier General Debold Sinas, NCRPO chief, ang bagong recruit na pulis na si Patrolman Darwin Resurrecion, na nakatalaga sa Regional Special Training Unit (RSTU) ng NCRPO.

Ayon kay Sinas, bumisita siya sa MPD headquarters noong October 21 para kausapin ang 294 na bagong police recruits before at saka ikinasa ang random drug test.

Sa 294 na bagong pulis ay isa ang nagpositibo sa marijuana.

Iniutos na ni Sinas ang pagsasagawa ng termination process kay Resurrecion.

Ang naturang baguhang pulis ay nakatapos na ng anim na buwang basic recruitment training at tatlong buwan na sa kaniyang field training program.

Nagbabala naman si Sinas na magsasagawa siya ng regular na pagbisita sa mga nasasakupan at magsasagawa din ng drug tests.

TAGS: drug test, Marijuana, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, police trainee, Radyo Inquirer, tagalog news website, drug test, Marijuana, NCRPO, PH news, Philippine breaking news, police trainee, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.