Tatlong miyembro ng pamilya arestado sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Antipolo

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2019 - 01:04 PM

Arestado ang tatlong miyembro ng isang pamilya na ginawang negosyo ang pagbebenta ng ilegal na droga sa Antipolo City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Herman Torres alyas Pusa; Gloria Bernal at si Jayson Jerome Bernal.

Ikinasa ng mga tauhan ng Antipo City police ang operasyon laban sa mga suspek sa Tumana Maria Corazon, Barangay Cupang, Antipolo City.

Nakuhanan ang mga suspek ng maraming plastic sachet ng shabu at ang perang ginamit na buy-bust money.

Inaalam pa kung magkano ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang shabu sa tatlo.

Ayon sa Antipolo City police matagal nang minamanman ang pamilya base na rin sa sumbong ng mga kapitbahay na sangkot sila sa ilegal na gawain.

TAGS: Antipolo City, buy bust operation, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, War on drugs, Antipolo City, buy bust operation, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.