Armadong grupo na nasa likod ng serye ng pamamaril sa Polomolok, South Cotabato tinutugis na ng mga pulis

By Dona Dominguez-Cargullo October 25, 2019 - 10:52 AM

Naglunsad na ng manhunt operation laban sa armadong kalalakihan na nasa likod ng serye ng pamamaril sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Ayon sa Polomolok municipal police station, ang mga suspek ay nakasakay sa motorsiklo nang barilin nito at mapatay ang isang lalaki malapit sa Barangay Rubber Miyerkules ng umaga.

Sinundan ito ng isa pang kaso ng pamamaril na naganap naman sa Barangay Pagalungan bagamat nakaligtas ang biktima.

Kinilala ang biktima na si Nelson Guiao, residente sa naturang barangay na kritikal ngayon sa ospital.

Ayon sa ulat, sakay si Guiao ng motorsiklo nang harangin ng mga suspek sabay tutok ng baril at nagdeklara ng holdap.

Sumigaw ang biktima at humingi ng tulong at dito na siya binaril sa bandang tiyan ng isa sa mga suspek.

Sinaklolohan naman si Guiao ng mga tao mula sa isang resort na siyang nagdala sa kanya sa ospital.

TAGS: PH news, Philippine breaking news, polomolook, Radyo Inquirer, Shooting Incident, South Cotabato, tagalog news website, PH news, Philippine breaking news, polomolook, Radyo Inquirer, Shooting Incident, South Cotabato, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.